Showing posts with label tula. Show all posts
Showing posts with label tula. Show all posts

Thursday, July 14, 2011

Ala-ala



ALA-ALA

Mula ng maramdaman ang pag ibig na akalay wala ng hanggan
Sinabi sa sariling ito ay panghabangbuhay at siya na lang
Di inaasahan biglang bigla ay ikaw mahal nawala nalang
Ang siglang hatid, ngayon naiwang sawi at lugmok sa kalungkutan

Oh kayhirap tanggaping gayun na lang ang pangyayari
Sari saring pag sisisi ang ginagawa sa buhay pagkataong sawi
Nagtatanong sa sariling ano nga ba ang nagawang di mabuti
Ano nga ba ang gagawin n gang nadaramang sakit ay mapawi?

Gulong gulo ang isipan, itong lito ang sa nararamdaman
Pilit mang balikan ang nakaraan, di malaman ang pagkakamali kung nasaan
Pilit mang alalahanin ang pangyayari, alam sa sarili di siya nasaktan
Bakit ganun nalang ginawa mo, parang wala naman tayong pinagsamahan

Kaya ngayon ay ayon lumimot na lang at sa bukas ay magpursige
Hanggang sa maging ganap ang nadarama ay tunay at kapuri puri
May sakit man pero ito talga ang nakakabuti
Sabay ang kahilingang sana minsan matanong ka kung bakit ini.

Bahagi ka ng buhay na kailanman ay hindi mapapawi
Kahit ang minamahal ay narito na ikaw ay mananatili
Maalala nalang na minsan may minahal na ikaw.
Na maitatago sa baol ng puso, magpakailanman

Minsan talaga sa buhay dumadating ang punto na akala na natin pangwalang hanggan na. masaya ka, masaya siya, masaya ang lahat. Pero sa isang iglap may pagsubok na kakaharapin. Pagsubok na anong sakit ang hatid na kulang nalang isumpa siya dahil di malaman kung bakit siya ay mang iiwan. Napapatanong ka tuloy sa sarili ano ang nagawang kamalian, kaya kung wala naman o kayhirap talagang bumangon at tuluyang kalimutan. Nagiging sa araw araw ay palaisipan at nasasabi pang muntik pang masira ang buhay. Pero kahit na ganito man kailangan ang tumayo at magsimulang muli, paghahandaan ang pag krukrus ng landas at masasabi sa sarili kahit nawala ka, ako pa rin ay naging okey.



Saturday, July 9, 2011

Paano (tula)


Paano
(tula)

Paano ko masasabi na mahal na mahal kita
Kung palaging sa kaharap kana ay inuunahan ng hiya
Paano masasabi na sa buhay kailangan ka
Kung alangan naman ang sariling may pagtingin ba sa aba?
Paano masasabing ikaw ang sa piling ay ninanais
Kung sa kasama kana ay heto at biro ang lahat ng hatid
Paano masasabi na kahit na anuman ang mangyari ay aalagaan ka
Kung ni sa salita pa lamang ay di manlang magawa

            Ngayon, paano mapapatunayan sa iyo ang nadarama
Paano ipapakita na ang sa buhay ay ikaw nag iisa
Paano ang gagawing hakbang ng sa iyo ay mapalapit sinta
Paano pag iisahin ang mga dulo ng daigdig na dalawa
Ni wala man lang lakas na sa sarili ay natitira
Dahil sa ikaw ang buhay at lakas ng mapangarap na aba
Paano na oh paano, paano na ang bukas kaya?
Sa kadiliman na bahagi ng puso ay may liwanag pa ba? -svj



Kung ganuung mang ang nararamdaman mo ay sigurado na
Huwag mag atubiling sabihin ang tunay na nadarama
Malay mo pareho rin pala ang tinitibok ng kapwa niyo mga puso
Eh di oh kaysaya ng bawat isa, napakagandang kwento.

Pero kung resulta man ay sa di kagandahan
Ayos lang din at nasabi ang tunay mong nararamdaman
At least makaka move-on ka ng maayos at walang inaalala
Sabihin nalang sa sariling, salamat sa pang unawa


cc. para sa Naruto fan na tulad ko rin. parang kwento rin ni Hinata na kung saan may lihim na pagtingin kay Naruto. na sa tuwing kaharap na nito ay namumula ang pisngi at bigla nalang nahihimatay. iba talga pag umiibig eh, hindi mo maipaliwanag ang nangyayari sa sarili mo at minsan nawawala ka sa kunsentrayon. pero para sa pag ibig, kaya mong gawin kahit ang itago ang nararamdaman wag lamang masira ang magandang samahan at manatili ang kasiyahan na nadarama. Pero hanggang kailan kaya?....



Paano by Shamrock

Paano mo malalaman itong pag-ibig ko sayo
Paano mo maramdaman ang tibok ng puso ko
Kung lagi kang kinakabahan na ika'y masasaktan
Pangako ko ang puso mo'y hindi pakakawalan

Paano mo maiintindihan na ako'y nananabik
O kelan ko kaya madarama ang tamis ng iyong halik
Kung lagi mong inaatrasan ang sugod ng nagmamahal
Sana nama'y pagbigyan mo hiling ng puso ko
[ Lyrics from: http://www.lyricsmode.com/lyrics/s/shamrock/paano.html ]
Subukan mong magmahal o giliw ko
Kakaibang ligaya ang matatamo
Ang magmahal ng iba'y di ko gagawin
Pagkat ikaw lang tanging sasambahin
Wag ka ng mangangamba
Pag-ibig koy ikaw wala ng iba

Paano mo malalaman itong pag-ibig ko sayo
Paano mo maramdaman ang tibok ng puso ko
Kung lagi kang kinakabahan na ika'y masasaktan
Pangako ko ang puso mo'y hindi pakakawalan

Subukan mong magmahal o giliw ko
Kakaibang ligaya ang matatamo
Ang magmahal ng iba'y di ko gagawin
Pagkat ikaw lang tanging sasambahin
Wag ka ng mangangamba
Pag-ibig koy ikaw wala ng iba

More lyrics: http://www.lyricsmode.com/lyrics/s/shamrock/#share

Friday, July 8, 2011

Ang Bibliya



Simpleng aklat kung wariin pero sa henyo ito ay nanggaling
Normal lamang kung suriin pero puno ng katalinuhan kung ito ay babasahin
Puno ng hiwaga mula sa mga titik akala mo ay mahika
Na naghahatid ng kapayapaan at buhay na sagana
Mga salita nito ay parang apoy kung sa puso ay tumusok
Bawat pahina niya ay tila bagang gintong nais sa buhay mapasakop
Mga aral nitoy buhay na alaala na lagging nag uutos
Ng kung anong tamang landasin at sa Diyos ay pagpupuring lubos
Walang kasing halaga ditto sa lupa ang makakatulad
Puspos ng kabanalan siyang wika ng higit na makapangyarihan. -svj



Tagapagligtas




Di ka pababayaan ni iiwan man, kaysarap pakinggan

Pang walang hanggan pangakong pangwalang katapusan

Iyon bagang pag kailangan ay iyon unang nasa tabi agad nariyan.

Hindi nga ba ganuun ang Diyos panginoong tagapagligtas noon pa man?






Monday, June 27, 2011

Katapusan (tula)

Walang permanente rito sa Lupa, walang man mananatili ni isa
ang lahat ay papanaw, sa katapusan ang kahihinatnan.

Katupasan

Ang lahat, ay may katapusan
Ang lahat, ay wakes ang kahahatungan
Sa kamatayan, langit ang kahahatungan
Ang tanging daan, ay si kristong aking mahal

Hinahanap mo ba, asam na kaligtasan
Nais na makamtan ang buhay na walang hanggan
Aminin mo lamang, siya ang dahilan
Tanggaping lubos, diyos na makapangyarihan

Ikaw at ako, mahal niya tayo
Di magbabago, pag ibig niyang totoo
At sa habangbuhay, di ka iiwan
Magpakailanman, oh maaasahan

Sa alabok, ang pinanggalingan
Sa alabok, din ang babalikan
Walang maipagmamalaki, sa sangkatauhan
Kundi ang pananapalatayang, sa maykapal laan
-svj